HANGGANG 8 AM ng Oktubre 27, 2024, nasa 158 na mga lugar ang nagdeklara ng state of calamity dahil sa pinsalang dulot ng Bagyong Kristine.
Sa report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 78 sa bilang ay mula sa Bicol Region.
Kasama na rito ang Albay, Camarines Sur, Camarines Norte, Catanduanes, at Bulan, Sorsogon.
63 naman sa CALABARZON gaya ng buong mga probinsiya ng Cavite, at Batangas.
Maging sa Tangkawayan, Mulanay, at General Luna sa Quezon; at Santa Cruz, San Pedro City, at Victoria sa Laguna.
Sa Eastern Visayas ay ang lugar tulad ng Calbayog sa Samar habang sa Eastern Samar ay ang Jipapad, Arteche, San Policarpo, Oras, Maslog, Dolores, Can-Avid, Taft, Sulat, San Julian, Borongan, at Maydolong.
Kasama rin sa mga nagdeklara ng state of calamity ay ang Dagupan City; Magpet, Cotabato; Alfonso Lista (Potia), Ifugao; at Quezon City.