16 na bagong electric bus, ilulunsad sa Hong Kong

16 na bagong electric bus, ilulunsad sa Hong Kong

MAGPAPALABAS ng 16 na bagong electric bus ang KMB Company sa Hong Kong pagkatapos ng Lunar New Year.

Ayon kay Gary Leung Ling Yin, asistant director ng KMB na ang mga bagong electric bus ay magkokonekta sa mga ruta kabilang ang Nathan Road at Kwun Tong Road sa lungsod.

Ito ay apat na porsiyentong mas magaan kumpara sa lumang modelong K9R electric bus at tumaas ng 16 na porsiyento ng kapasidad na makapasok na mga pasahero na hanggang 81 katao.

Dalawang oras naman na mas mabilis mag charge ang baterya nito kumpara sa dati para makapaghatid ng 200 km ang layo sa ilalim ng ero emission ng transportasyon.

Gamit ang katawan na pininturahan ng “electric green” ay nilagyan ng isang sistema ng pamamahala ng baterya at isang sistema ng paglamig sa tubig upang mapahaba ang cycle ng baterya nito.

Dagdag nito ang KMB ay nag-install din ng mahigit 20,000 solar panel sa 11 depot, 3, 000 bus stop at 1,000 na mga bus sa lungsod.

Follow SMNI NEWS in Twitter