16K posisyon para sa mga guro aprubado na ng DBM

16K posisyon para sa mga guro aprubado na ng DBM

INAPRUBAHAN ng Department of Budget and Management (DBM) ang 16K posisyon para sa mga guro sa pampublikong paaralan para sa School Year 2025-2026.

Sa mga inaprubahang posisyon, 15,343 ang para sa Teacher I; 157 ang Special Science Teachers; at 500 ang Special Education Teachers.

Tinatayang nasa P4.194B ang kakailanganin para pondohan ang mga bagong posisyong ito.

Ito na ang unang bahagi ng target na 20K posisyon na lilikhain ngayong taon ayon sa ahensiya.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble