17 dayuhan na sangkot sa large-scale online scams, naaresto—NBI

17 dayuhan na sangkot sa large-scale online scams, naaresto—NBI

NAARESTO ng National Bureau of Investigation (NBI) ang nasa 17 dayuhan na sangkot sa large-scale online scams.

15 sa mga ito ay Chinese, 1 ang Malaysian, at 1 Taiwanese.

Sa ulat ng NBI, Oktubre 11 nang isagawa nila ang kanilang operasyon sa isang property sa Tejeros, Makati City.

Doon, nahuli nila mismo ang 17 na gumagawa ng ilegal na online schemes.

Maliban sa mga naaresto, nakuha rin ng NBI ang ilang desktop computers, laptops, at cellphones na ginagamit sa cybercrimes.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble