17 katao, nasawi matapos magcollapse ang isang hotel sa China
MATAPOS ang 36 oras na search and rescue, 17 ang natagpuang patay habang anim lang ang narescue matapos magcollapse ang Siji Kaiyuan Hotel sa Suzhou, China.
Ayon sa Global Times, base sa preliminary investigation, nagcollapse ang building matapos baguhin ng owner nito ang straktura ng building.
Dagdag pa nito, maraming beses isinailalim sa renovations ang naturang building sa nakalipas na mga taon.
Samantala, nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Jiangsu Provincial Government.
US, magsisimula nang mag-evacuate ng Afghan interpreters
Magsisimula na ang US sa operation allies refuge nito sa huling linggo ng Hulyo ayon sa White House.
Isasagawa ang operasyon sa pamamagitan ng pag-evacuate ng US sa mga Afghan interpreters na tumulong sa kanila.
Ito ay kasunod ng hakbang ng US na pag-withdraw ng pwersa nito sa Afghanistan bago mag Setyembre 11.
Ayon sa isang opisyal, nasa 2,500 katao ang kasali sa initial evacuation na isasagawa kabilang dito ang mga nasa military facilities na nasa US man o sa ibang bansa habang pinoproseso pa ang visa application nito.
Samantala, ang Special Immigrant Visa program ay para lamang sa mga nagtatrabaho para sa US government laban sa Afghanistan na nagpasimula noong 2001.