NAKATANGGAP ng maagang pamasko mula sa Philippine Coast Guard (PCG) ang mga kabataan ng Barangay 636, District VI, Sta Mesa, Maynila kamakailan.
Ayon sa PCG, humigit-kumulang 170 kabataan ng naturang barangay ang nakatanggap ng pagkain, inumin, at school supplies.
Sinabi ng PCG na biktima rin ang mga ito ng mga insidente ng sunog noong mga nakalipas na buwan.
Nagtulong naman ang PCG Station Malacañang at PCG K9 Team Malacañang sa paghahanda at pamamahagi ng maagang pamasko.