18 electric cooperates sa Northern Luzon, nanatiling normal ang operasyon sa gitna ng Bagyong Betty—NEA

18 electric cooperates sa Northern Luzon, nanatiling normal ang operasyon sa gitna ng Bagyong Betty—NEA

INIHAYAG ng National Electrification Administration (NEA)-Disaster Risk Reduction and Management Department na normal pa ang operasyon ng mga electric cooperative sa Northern Luzon.

Ito ay sa kabila ng pagsasailalim sa Tropical Cyclone Wind Signal sa naturang lugar bunsod ng pananalasa ng Bagyong Betty sa bansa.

Nasa 18 ECs ang tuluy-tuloy ang operasyon kabilang ang Cagayan Electric Cooperative (CAGELCO) 1 at 2 at Batanes Electric Cooperative (BATELCO).

Pinatitiyak naman ni Engineer Eric Campoto, officer-in-charge ng NEA-DRRMD na paghandaan ang posibleng epekto ng bagyong Betty sa kanilang mga pasilidad.

 “Take the appropriate contingency measures in order to mitigate the impacts of the potential threats that might affect the electric service to consumers,” pahayag ni Engr. Eric Campoto, Officer-in-charge, NEA-DRRMD.

Gayunman, inabisuhan pa rin ang mga electric cooperatives sa buong bansa na maging handa sa epekto ng nasabing bagyo.

Mahigpit ang utos ng NEA sa mga ECs na magsagawa ng naaangkop na mga hakbang upang mabawasan ang epekto ng bagyo.

“Activate Emergency Response Organization (ERO) accordingly when the need arises to implement without delay the appropriate emergency response plans,” saad ni Engr. Eric Campoto, officer-in-charge, NEA-DRRMD.

Inabisuhan din sila na panatilihing naka-monitor sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) para sa lagay ng panahon.

Nakaalerto at handa na rin ang mga NEA engineer sa oras na kakailanganin ng tulong ng mga EC lalo na sa posibleng rehabilitasyon na mangyayari sa oras maapektuhan ng Bagyong Betty.

 “NEA engineers are also in stand-by in the event that deployment is needed to conduct damage cost assessment and help in restoration and rehabilitation efforts together with the ECs,” ani Campoto.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter