DALAWANG bagyo pa ang inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Kung makakapasok na sa PAR ay papangalanan itong Bagyong Ofel.
Sa tansiya ng state weather bureau, mag-landfall ang Bagyong Ofel sa Nobyembre 14 o 15, 2024.
Ang isa pa ay papangalanan namang Bagyong Pepito at inaasahang mag-landfall ito sa Nobyembre 16 o 17.