2 Chinese Nationals na biktima umano ng human trafficking at pananakit sa POGO HUB sa Porac, Pampanga nagsampa na ng reklamo sa DOJ

2 Chinese Nationals na biktima umano ng human trafficking at pananakit sa POGO HUB sa Porac, Pampanga nagsampa na ng reklamo sa DOJ

TULUYAN nang nagsampa ng reklamo sa DOJ ang 2 Chinese National na biktima sa illegal na akitbidad Lucky South 99 Outsourcing Inc. na isang hinihinalaang isang POGO Hub sa Porac, Pampanga.

Ayon kay DOJ Prosecutor Darwin Canete, Human Trafficking, Serious Physical Injuries, Kidnapping at Serious Illegal Detention at robbery ang mga patong patong na reklamo na isinampa ng mga complainant laban sa 2 respondents na mga chinese nationals din.

Ang naturang respondents ay sina Qin Ren Gou, at Jiang Shi Guang na kasalukuyang nasa detention facility ng PAOCC.

Sa ngayon ay hindi pa ibinibigay ang identity ng dalawang biktima dahil sa natatanggap nilang death threat.

‘’We are mindful the fact that the accused, the persons associated may seek to either reach out to them trhrough death threats or thru relatives in China since the complainants are Chinese nationals,’’ ayon kay Atty. Darwin Canete Prosecutor, DOJ.

Ayon kay Canete, pwersahang pinagtrabaho ang mga biktima sa POGO HUB at sinaktan kung saan ang isang biktima ay ipinosas pa sa bed frame at inilock sa kawarto sa loob ng ilang araw.

Ang mga respondents ay kasalukuyan ng nakadetain at maaring maipatawag para sa pagdinig ng DOJ.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble