2 CTGs, sumuko para makapiling ang kanilang pamilya ngayong Pasko

2 CTGs, sumuko para makapiling ang kanilang pamilya ngayong Pasko

NAKATANGGAP ang dalawang dating kalaban ng bansa ng tulong pinansyal at hygiene kits mula sa pamahalaan bilang bahagi ng pangako at pagpaparamdam sa kanila na nariyan lamang ang gobyerno matapos na sumuko ang mga ito para makapiling ang kanilang mga pamilya ngayong Kapaskuhan.

Matatandaan na si Ka Lando at Ka Yoga ay sumuko ilang linggo na ang nakalilipas dahil na rin sa pangungulila ng mga ito sa kanilang mga pamilya ngayong panahon ng Kapaskuhan.

Kaya naman ngayon ay nakatanggap na ang dalawang dating rebelde ng paunang tulong pinansyal.

Nasa limang libong piso at hygiene kits ang natanggap ni Ka Lando at Ka Yoga sa pangunguna ng 91st Infantry Battalion, kasama ang PNP, DSWD, at ni Dingalan Mayor Shierwin Taay sa Dingalan, Aurora.

Ani Mayor Taay, patuloy ang pamahalaan sa krusada nito laban sa mga Communist Terrorist  Groups (CTGs) makakaliwang grupo upang makamit na ang matagal nang inaasam na kapayapaan at kasiglahan ng ating bansa lalo na sa mga residente nito.

“We work together towards our common goal in ending local communist armed conflict, to maintain peace and harmony in our villagers,” ayon kay Mayor Shierwin Taay, Dingalan, Aurora.

 Dagdag pa ng alkalde, patuloy na pagsusumikapan ng Dingalan LGU katuwang ang mga tropa ng gobyerno ang mga ginagawa nito upang maihatid ang mga serbisyo lalo na sa mga liblib na lugar.

Samantala, malaki naman ang pasasalamat ni Ka Yoga at Ka Lando dahil na rin sa tulong na kanilang natanggap mula sa pamahalaan.

 “We are very much thankful to Mayor Taay and 91st IB for the assistance they have given us as we return to the folds of the law. To our Sinagtala troopers, thank you for taking care of us since our surrender. We are now sure that our dream of living a better and peaceful life with our family will come true specially that Christmas is fast approaching,” ani Ka Yoga, Ka Lando, former rebels.

Puspusan na nga ang ginagawang pagsisikap ng ating mga kasundaluhan upang sa wakas ay matapos na ang deka-dakadang problema ng bansa kaugnay sa insurhensya.

“Rest assured that more assistance will be given to the former rebels. We also urged the remaining dismantled Komiteng Larangang Guerilla Sierra Madre (KLG-SM) to surrender and embrace peace because there’s no future in continuing the armed struggle,” saad ni LtC. Julito Recto Jr., Commander of 91st Infantry Battalion.

Ayon pa sa opisyal, pauna pa lamang ito sa mga tulong na ipamamahagi ng gobyerno sa kanilang pagsuko at hinihikayat ang mga natitira pang miyembro ng Komiteng Larangang Guerilla Sierra Madre (KLG-SM) na magbalik loob na rin at yakapin ang kanilang pamilya ngayong Kapaskuhan, kasabay ng mga tulong na kanilang matatanggap mula sa pamahalaan.

Follow SMNI NEWS in Twitter