2 domestic flights sa NAIA, kanselado

2 domestic flights sa NAIA, kanselado

KANSELADO ang dalawang domestic flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa sama ng panahon.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA) kanselado ang biyaheng balikan ng Philippine Airlines (PAL) Express sa pagitan ng Manila at Basco partikular na ang PAL Express flight 2P 2932 at flight 2P 2933.

Pinapayuhan ang mga mananakay na apektado ng biyahe na makipag-ugnayan sa kanilang airline para sa rebooking o refund ng kanilang ticket.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter