2 driver ng bus, nagpositibo sa surprise drug test ng LTO sa Araneta Bus Terminal

2 driver ng bus, nagpositibo sa surprise drug test ng LTO sa Araneta Bus Terminal

POSITIBO sa paggamit ng hinihinalang iligal na droga ang 2 mula sa higit 60 driver.

Isinagawa ang surprise drug test ng Land Transportation Office (LTO) sa Araneta Bus Terminal sa Quezon City, katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Kinumpiska na ng LTO ang lisensya ng dalawang driver na muling isasalang sa confirmatory test ng PDEA.

Sa ngayon ay mananatili sila sa kustodiya ng PNP habang hinihintay ang confirmatory test.

Follow SMNI NEWS in Twitter