2 foreign-owned companies na hindi lehitimong nagpapatakbo ng TNVS sa bansa, iniimbestigahan na – LTFRB

2 foreign-owned companies na hindi lehitimong nagpapatakbo ng TNVS sa bansa, iniimbestigahan na – LTFRB

TINUTUGIS na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang 2 malalaking kumpanya na iligal na nagpapatakbo ng Transport Network Vehicle Service (TNVS) sa bansa.

Ito ay ang INDRIVE at MAXIM na may operasyon sa Pilipinas pero nasa bansang Russia ang mga opisina.

Dahil dito, pinapa-alerto ng LTFRB ang publiko na huwag tangkilikin ang naturang hailing app dahil hindi jto rehistrado ng kahit anong ahensya ng gobyerno.

Ipinunto ni LTFRB Chief Asec. Teofilo Guadiz III kung sakaling maa-aksidente ay walang mahahabol na insurance ang mga pasahero na sasakay sa mga ito.

At karamihan aniya itong nag-ooperate sa Baguio, Bacolod, Pampanga, Cebu, Iloilo, Cagayan de Oro at iba pang lalawigan.

Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na ang LTFRB sa DICT para ma-ban ang app ng colorum na TNVS.

Follow SMNI NEWS in Twitter