2 heneral na pinangalanan sa umano’y ‘shabu cover-up’, inabsuwelto ng PNP Chief

2 heneral na pinangalanan sa umano’y ‘shabu cover-up’, inabsuwelto ng PNP Chief

INABSUWELTO ni PNP chief Police General Rodolfo Azurin, Jr. sina dating PNP Deputy Chief for Operations Police Lieutenant General Benjamin Santos at dating PDEG Director Police Brigadier General Narciso Domingo sa umano’y cover-up sa 6.7 bilyong pisong halaga ng shabu.

Ito ay matapos pangalanan ni Interior Secretary Benjamin “Benhur” Abalos, Jr. ang dalawa na sangkot umano sa nasabing isyu.

Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni Azurin na hindi sangkot sa iligal na droga sina Santos at Domingo.

Ayon sa PNP chief, kilala niya ang dalawang opisyal at mataas ang tiwala niya sa mga ito.

Paliwanag ni Azurin, nasa lugar si Santos dahil inatasan niya itong i-supervise ang operasyon.

Una nang pinagsumite ng leave of absence si Abala, ang ilang matataas na opisyal kabilang sina Santos at Domingo upang mabigyang-daan ang ginagawang imbestigasyon sa isyu.

Follow SMNI NEWS in Twitter