2 kanseladong flights sa NAIA, naitala ngayong araw

2 kanseladong flights sa NAIA, naitala ngayong araw

KINUMPIRMA ng Manila International Airport Authority (MIAA) na dalawa ang naitalang kanseladong domestic flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong araw ng Martes dahil sa sama ng panahon.

Ayon sa MIAA Media Affairs Division Office biyaheng Manila-Romblon o vice versa ang kanselado partikular na ang AirSwift Flight T6 710 at T6 711.

Wala naman naitalang apektadong international flight sa NAIA dahil sa sama ng panahon.

Gayunpaman pinapayuhan ang mga pasahero na apektado ng flights ay agad makipag-ugnayan sa kanilang airlines.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter