2-M batang Pilipino edad 2 pababa, ‘di pa nababakunahan –DOH

2-M batang Pilipino edad 2 pababa, ‘di pa nababakunahan –DOH

UMAABOT sa 2 milyong batang Pilipino ang hindi pa nakatatanggap ng bakuna laban sa mga sakit tulad ng polio, measles at tuberculosis.

Sinabi ni Department of Health (DOH) OIC Maria Rosario Vergeire na mula sa ideal na 95% na dapat mabakunahan ay 36% pa lamang ang natuturukan sa bansa.

Batay sa rekomendasyon ng United Nations Children’s Fund (UNICEF), kailangang kumpletuhin ng mga bata ang lahat ng kinakailangang dosis ng bakuna sa oras na sila ay isang taong gulang upang makaiwas sa mga sakit.

Sa ngayon, pinapaigting na ng DOH ang pagbabakuna sa mga bata katuwang ang local government units at inilunsad ang “vax-baby-vax” nitong Nobyembre 7 at magtatagal hanggang Nobyembre 18.

Nananawagan din ang kagawaran sa mga magulang na ipabakuna na ang kanilang mga anak upang maiwasan ang outbreak ng mga nasabing sakit sa bansa.

 

Follow SMNI News on Twitter