2 patrol vessels ng bansa, opisyal na iko-komisyon ngayong araw

2 patrol vessels ng bansa, opisyal na iko-komisyon ngayong araw

OPISYAL na iko-komisyon ngayong araw ang 2 patrol vessels ng bansa.

Pangungunahan mismo ng Philippine Navy ang pagkomisyon sa dalawang bagong barko ng Pilipinas.

Papangalanan ang mga ito bilang BRP Valentin Diaz (PS177) at BRP Ladislao Diwa (PS178).

Magsisilbing panauhing pandangal si Defense Secretary Gilbert Teodoro.

Gagamitin ang nasabing mga barko sa Patrol Mission sa mga karagatang sakop ng Pilipinas kasama ang West Philippine Sea (WPS).

Nauna nang sinabi ng pamahalaan na katuwang ang Department of National Defense at Armed Forces of the Philippines na walang anumang bahagi na pagmamay-ari ng Pilipinas ang ibibigay sa kahit sinuman o alinmang bansa.

Isa sa mga tinutukoy rito ang ilang contested island sa WPS.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble