20-30 kataong pinatay sa Negros Oriental, iniuugnay kay Cong. Arnie Teves

20-30 kataong pinatay sa Negros Oriental, iniuugnay kay Cong. Arnie Teves

INIUUGNAY ng asawa ni Negros Oriental Governor Roel Degamo si Cong. Arnie Teves sa pagkamatay ng 20 – 30 katao sa kanilang probinsiya.

Ayon kay Pamplona, Negros Oriental Mayor Janice Degamo, pinaslang ito ng congressman o ang mga representative ng kampo nito.

Hindi na idinetalye pa ni Mayor Janice ang kaniyang ibinunyag subalit may sapat aniya siyang basehan para dito.

Ang ilan sa mga ito ay land-grabbing o kaya pagkakapaslang ng mga tao na ayaw ilipat ang kanilang ‘loyalty’ sa congressman.

Kamakailan ay nagpadala si Mayor Janice ng sulat sa Kamara kung saan hiniling niya na alisin bilang miyembro ng Mababang Kapulungan si Teves na kasalukuyang isinailalim sa 60-day suspension.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter