Bahay ng kapatid ni Cong. Arnie Teves, ni-raid ng CIDG

Bahay ng kapatid ni Cong. Arnie Teves, ni-raid ng CIDG

NI-raid ng mga tauhan ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang bahay ng kapatid ni Negros Oriental 3rd District Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr. sa Caranoche, Sta. Catalina, Negros Oriental.

Ito ang kinumpirma ni Police Colonel Thomas Valmonte, Legal Officer ng PNP CIDG.

Ayon kay Valmonte, inilabas ang search warrant laban kay dating Negros Oriental Governor Pryde Henry Teves ng korte sa Mandaue City para sa paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunitions Regulation Act.

Sa ngayon, nasa proseso pa ng paghalughog ang mga awtoridad pero may ilang armas na ang nakuha sa bahay ng dating gobernador.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter