TINUPOK ng naglalagablab na apoy ang 200 kabahayan sa Brgy. Talaba 3, Bacoor City dakong alas 10:40, kamakalawa ng gabi.
Sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang apoy sa Paraiso Compound, Zone 6 nasabing barangay.
Dahil gabi at malakas ang hangin, naging napakabilis ang pagkalat at paglaki ng apoy na itinaas sa ikalawang alarama pagsapit ng alas onse ng gabi.
Tumagal ng hanggang tatlong oras bago natupok ang apoy.
Patuloy ang imbestigasyon ng BFP sa sanhi ng sunog.
Wala namang naiulat na nasaktan at nasawi sa insidente.