2023 Gawad Parangal ng Nutrisyon, isinagawa sa pangunguna ng NNC Region 1

2023 Gawad Parangal ng Nutrisyon, isinagawa sa pangunguna ng NNC Region 1

ISINAGAWA sa pangunguna ng National Nutrition Council (NNC) Region 1 ang 2023 Gawad Parangal ng Nutrisyon sa Ariana Hotel, Bauang, La Union nitong Nobyembre 23, 2023.

Dinaluhan ito ni Executive Director IV at Assistant Secretary ng NNC Dr. Azucena Dayanghirang.

Kabilang sa mga pinarangalan ang mga local government unit (LGU) at mga grupo na isinusulong ang nutrisyon ng mga batang Pilipino, maging ang mga adult-alike na tinaguriang Nutrition Champions sa Region 1.

Kalahok din ang Ronda Region 1 na pinangunahan ng pangulo nito na si Jay Miguel Mendoza ng DZRD Sonhine Radio Dagupan para suportahan ang nasabing pagdiriwang kabilang na ang mga miyembro ng Ronda.

Saad ni Dra. Paula Paz Sydiongco, Regional Director, Department of Health (DOH)-Ilocos Region, ang Monitoring and Evaluation Mechanism for the Implementation of the Philippine Plan of Action for Nutrition (MELPPI PRO) ay napakahalaga sa pagtaguyod ng Nutrition program sa Region 1.

Kabilang sa mga award na ibinigay sa mga Nutrition Champions ay ang Green Banner Seal of Compliance, Consistent Regional Outstanding Winner in Nutrition (CROWN) and Maintainance Award at Nutrition Honor Award.

Nakatanggap din ang mga LGU ng Special Awards sa mga aktibo sa pagresolba sa problema ng pagkabansot, malnutrisyon, at First 1000 Days ni Baby Program.

Special Awards ang ibinigay sa mga LGU na may consistent malnutrition reduction within 3 years, combined stunted at severely stunted.

Sa nasabing kaganapan, nag-iwan ng inspirational message ang eksperyensado at eksperto sa Nutrition Field at Co-chair ng Zero Hunger Inter-Agency at NNC Exec. Dir. Asec. Dr. Azucena M. Dayanghirang.

Sa panayam ng SMNI News North Luzon at Sonshine Radio, sinabi ni Dra. Dayanghirang na napapanahon na para pagtuunan ng pansin ang nutrisyon.

“Talagang kailangan na talaga natin ngayong i-PPAN ano ‘yung PPAN? Prioritized Nutrition Program at all cost, meaning to say you put nutrition in the forefront of your development agenda in every LGU. Another P is partnership, you should partner in other LGUs and other national government agencies in your areas specially in regional level also in the LGU level,” ayon kay Asec. Dr. Azucena M. Dayanghirang, Exec. Director, NCC.

Aniya, damang-dama niya ang kasigasigan ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Region 1 at proud ang mga ito na masungkit ang mga award mula sa NNC.

Samantala, nagpapasalamat si NCC OIC Mr. Kendall Pilgrim Gatan sa personal na pagdalo ni Dayanghirang sa isinagawang 2023 Gawad Parangal ng Nutrisyon.

“Unang-una gusto naming pasalamatan ang pagdalo, pagdating ng ating executive director na si Assistant Secretary Azucena Dayanghirang para pangunahan itong ating Parangal ng Nutrisyon dito sa Region 1 at sa lahat ng tumulong at lahat ng nakilahok para maging matagumpay talaga ang pag-conduct ng 2023 Gawad Parangal ng Nutrisyon sa rehiyon,” ayon kay Kendall Pilgrim Gatan, NCC OIC.

Samantala, pangalawang pagkakataon na nanalo ang Pangasinan ng Green Banner Seal of Compliance Award ayon kay Dra. Ma. Theresa de Guzman, Pangasinan Provincial Nutrition Action Officer.

Masaya at proud naman ang Outstanding Barangay Nutrition Scholar na si Glenn Gabayan ng Brgy. Darapidad, Candon City sa kaniyang natanggap na award mula sa NNC.

Present din sa awarding si Urdaneta City Mayor Julio Rammy Parayno, III kung saan nasungkit ng siyudad ang Consistent Regional Outstanding Winner in Nutrition (CROWN) and Maintenance Award.

Dagdag ni Mayor Parayno, ito ay pang-apat na beses nang nasungkit ng lungsod at natutuwa siya dahil patuloy na tinutukan ng Urdaneta ang nutrisyon.

Umaasa si Dr. Dayanghirang na magpatuloy ang mga LGU sa kanilang kasigasigan para sa kalusugan ng mga bata at adult-alike.

Hinihikayat din nito ang lahat na tangkilikin ang pagkain ng gulay at prutas at iwasan ang matatabang pagkain.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble