2024 budget ng U.P., nabawasan ng P2.9-B

2024 budget ng U.P., nabawasan ng P2.9-B

HALOS P3-B ang bawas sa pondo ng University of the Philippines (UP) mula sa panukalang 2024 budget.

Sa pahayag ni Budget Secretary Amenah Pangandaman, binawasan ang pondo ng UP dahil malapit nang matapos ang mga proyektong pang-imprastruktura nito.

Napag-alaman na sa ilalim ng proposed 2024 national budget ay nasa P22.59-B ang panukalang pondo sa UP.

Nabawasan ito ng P2.9-B mula sa P25.52-B pondo nito ngayong taon.

Tiniyak din ni Pangandaman na hindi makaaapekto ang nabawasang pondo ng UP sa pagtanggap ng mga estudyante o ng mga Iskolar ng Bayan.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble