21 mag-aaral sa Talisay, Negros Occ. nagtamo ng food poisoning matapos kumain ng expired na chocolate

21 mag-aaral sa Talisay, Negros Occ. nagtamo ng food poisoning matapos kumain ng expired na chocolate

NAKARANAS ng sintomas ng food poison gaya ng pananakit ng tiyan, pagkahilo at pagsusuka ang dalawampu’t isang mag-aaral sa Bubog Elementary School matapos makakain ang mga ito ng expired na chocolate.

Sa 21 biktima ng food poison, labinlima dito ay mag-aaral sa Grade 5, tatlo ang Grade 4, at dalawa ang Grade 3 na agad dinala sa Talisay Health Office.

Sa imbestigasyon, isang estudyante ang nagdala ng imported chocolate na nakumpirmang expired na noong nakaraang taon ng Setyembre.

Paalala ng Department of Education (DepEd) Division ng Negros Occidental sa mga magulang na maging maingat sa mga pagkain ng mga bata upang maiwasan ang food poison.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble