24 oras na booster vaccination drive-thru sa Quirino Grandstand, sinimulan na ngayong araw

24 oras na booster vaccination drive-thru sa Quirino Grandstand, sinimulan na ngayong araw

DAHIL sa mataas na demand ng booster vaccination, caravan drive-thru sa Quirino Grandstand ginawang bente kwatro oras ang operasyon.

Magiging unlimited na ang pagbabakuna sa mga sakay ng 4 wheel vehicles  booster vaccination drive-thru sa Quirino Grandstand matapos itong sinimulan kaninang alas 12 ng hating gabi.

Bukod sa unlimited na ang pagbabakuna, maaari pang makapili ng brand ng bakuna ang nais na mag-booster shot sa drive thru vaccination sa Quirino Grand Stand.

Kung matatandaan kahapon ay sinimulan nang buksan ang drive-thru booster vaccination na sinimulan mula alas otso ng umaga hangang alas singko ng hapon.

Sa naturang site hindi na rin kailangan ng pre-register online, kundi ang serbisyo first come, first served basis.

Nagdagdag na rin ng lanes para sa naturang site.

Ayon kay Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso apat na lane ang bubuksan para mabilis ang time-in motion habang tuloy pa rin ang lane ng libreng RT-PCR.

Sa naturang drive thru booster vaccination pwedeng jeep, taxi, private, korporasyon, grab at iba pa.

Samantala, bukod sa 4 wheel booster vaccination drive-thru sa Quirino Grandstand ay nagpapatuloy naman ang booster vaccination para two-wheeled vehicles sa Bonifacio Shrine’s sa kartilya ng katipunan sa lungsod pa rin ng Maynila.

Bukod dito, inanunsyo naman ng Manila City Government na simula ngayong araw, Enero 14-21 ang pagkansela ng klase  sa lahat ng antas, pampubliko  at pribadong paaralan partikular na sa University of the East ito’y upang bigyan ng pahinga sa kalusugan ang mga estudyante at guro.

Pero ang naturang suspensiyon ay tinutulan ni University of the East (UE) President Ester Garcia.

Ayon kay Garcia batay sa isang mapagkakatiwalaang source, na walang awtoridad ang mga local chief executive na suspindihin ang mga klase sa tertiary level.

Dahil dito, naglabas si Mayor Isko ng show cause order laban sa UE dahil sa umano’y pagsuway sa isang linggong “health break” ng lokal na pamahalaan para sa lahat ng klase sa buong lungsod.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter