Nagpositibo sa Drive Thru RT-PCR test sa Quirino Grandstand, pumalo na sa 7

PUMALO na sa pito ang nagpositibo sa COVID -19 test simula inilunsad ng lokal ng pamahalaan ng Maynila ang libreng Drive Thru RT-PCR Test sa Quirino Grandstand nito lamang Lunes.

Ayon sa Manila Health Department sa bilang ng mga nagpositibo, lima dito ay mga residente ng Maynila habang ang dalawa ay non –resident.

Sa huling tala ay  umabot na sa kabuang 322 ang bilang ng mga  sumailalim sa drive thru  swab testing sa Quirino Grandstand  simula inilunsad ito nitong lamang  Enero 18.

Sa bilang na ito 229 ang nag negatibo sa test habang halos siyamnapu ang naghihintay pa ng resulta.

Ayon sa Manila PIO, nakikipag-ugnayan ang Manila Health Department  sa LGU kung ang pasyente na nagpositibo sa COVID-19 test ay hindi residente ng Maynila.

Kaagad namang isasailalim ang mga Manilenyo sa quarantine facilities na nagpositibo sa swab test.

Samantala, pinapayagan naman ng lokal ng pamahalaan ng Maynila na makinabang sa libreng swab test ang hindi residente ng lungsod.

SMNI NEWS