IPINASUSPINDE ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang nasa 26 nilang empleyado.
Ang suspensiyon ng mga ito ay nag-ugat sa iba’t ibang paglabag gaya ng grave misconduct, serious dishonesty, at gross neglect of duty.
Maging ang paglabag sa ilang office rules at regulations, anti-red tape act, at iba pa.
Aprubado na ang pormal na kaso kasama ang preventive suspension orders sa 21 empleyado.
Ang 18 mula sa 21 ay naipatupad na habang ang tatlo ay ipatutupad pa lang.
Aprubado na rin ang desisyon para sa suspensiyon ng natitirang limang empleyado.