276 paratroopers, nagtapos sa airborne classes ng Special Forces Regiment

276 paratroopers, nagtapos sa airborne classes ng Special Forces Regiment

NAGTAPOS ang 276 paratroopers sa kanilang airborne classes sa Special Forces Regiment (Airborne) Headquarters sa Nueva Ecija.

Ayon kay Colonel Ferdinand Napuli, commander ng Special Forces Regiment (Airborne), nabibilang ang mga paratrooper sa dalawang batch ng Basic Airborne Course (BAC), Jump Master Course, at Parachute Packing Course.

Habang 38 sundalo ang nakatakdang sumailalim sa Military Free Fall Course at Parachute Packing Skills Enhancement Training.

Pinangunahan ni Philippine Navy flag-officer-in-command Vice Admiral Adeluis Bordado ang pinning of badges ng mga paratrooper.

Sa kanyang talumpati, pinuri ni Bordado ang mga bagong nagsipagtapos ng ilang linggong sumailalim sa mahigpit na pagsasanay.

Ipinaabot din niya ang kanyang paghanga sa mga opisyal at enlisted personnel ng Special Forces School na naging daan para maging ligtas at matagumpay ang mga pagsasanay.

Follow SMNI NEWS in Twitter