NASA 29 na indibidwal ang naaresto ng mga awtoridad sa paglabag sa election gun ban para sa May 12 midterm election.
Habang 30 armas ang nakumpiska ng mga elemento ng Quezon City Police District (QCPD) simula noong implementasyon ng gun ban noong Enero 12 hanggang Pebrero 18, 2025.
Sa panayam ng QC Journalist Forum kay Police Col. Roman Arugay, Deputy District Director ng QCPD, ilan sa mga nahuli rito ay mula sa COMELEC Checkpoint at Police Response.
Sa kabuuan, nasa green category ngayon ang lungsod ng Quezon dahil wala namang banta aniya sa lungsod kaugnay ng nalalapit na halalan.
Follow SMNI News on Rumble