Pastor Quiboloy at ilang kandidato, pasado sa social media registration ng COMELEC

Pastor Quiboloy at ilang kandidato, pasado sa social media registration ng COMELEC

NAGING mahigpit ang Commission on Elections (COMELEC) sa pagpapatupad ng bagong polisiya na nag-oobliga sa mga kandidato sa pagka-senador at party-list groups na irehistro ang kanilang social media pages bilang bahagi ng transparency sa digital campaign.

Matatandaan na ipinapatupad ng poll body ang bagong polisiya na nagre-require sa mga kandidato na iparehistro ang kanilang social media platforms upang mamonitor kung may gumagamit ng deepfakes o Artificial Intelligence (AI) sa pangangampanya.

Sa inilabas na inisyal na listahan, 29 na online platforms ang naaprubahan—kasama rito ang mga social media pages nina Pastor Apollo Quiboloy, Ronald Dela Rosa, Jimmy Bondoc, Christopher at Bong Go, at iba pa.

Sa party-list groups, 89 ang aprubado.

Pagpapatanggal ng hindi rehistradong social media pages, depende pa rin sa platforms—COMELEC

Ayon sa COMELEC, ang mga kandidatong wala sa listahan ay maaaring hindi nakapagsumite ng kumpletong dokumento.

Paglilinaw ng komisyon, nasa kamay pa rin ng mga social media platforms kung aalisin o hindi ang mga hindi rehistradong pages mula sa komisyon.

Ayon kay Garcia, may tatlong kandidato sa pagka-senador ang hindi talaga nagparehistro.

Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, walang extension na ibinigay para sa social media registration, na noong Disyembre 13, 2024 pa ang deadline.

Wala rin daw’ng plano ang COMELEC na palawigin pa ito.

Kahit aprubado ng COMELEC, ilang socmed pages ni Pastor Quiboloy tinanggal ng Meta

Bagama’t pasado sa COMELEC, tatlong social media pages ni Pastor Apollo Quiboloy ang inalis ng Meta.

Ito ay kahit naiparehistro na ang social media pages na: The Nation Builder for the Philippines, The Nation Builder at Pastor ACQ Para sa Bayan.

Ayon sa COMELEC, hindi nila kontrolado ang pag-takedown sa mga nabanggit na accounts dahil ito ay nasa community standards ng Meta at iba pang social media platforms.

COMELEC: Hindi pa pwedeng kuwestiyunin ang pamamahagi ng ayuda mula sa AKAP Program

Hinahanap na ngayon ng COMELEC sa DSWD ang opisyal na guidelines sa pamamahagi ng ayuda mula sa AKAP Program sa gitna ng election spending ban.

Hanggang ngayon, wala pa rin daw’ng ibinibigay na guidelines ang ahensya.

Matatandaan na may panibagong hirit na exemption ang DSWD para sa spending ban sa AKAP na nagkakahalaga labindalawang bilyong piso.

Giit ng COMELEC—kailangan muna nilang magsumite muna ng guidelines bago nila aaprubahan ang panibagong exemption.

Maliban diyan, dapat din daw na makontento ang komisyon sa maipapalabas nilang guidelines.

Paglilinaw naman ni Garcia, wala pa silang hurisdiksyon ngayon sa pamamahagi ng ayuda mula sa AKAP dahil sa Marso pa epektibo ang spending ban.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble