PUMASOK sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa loob ng tatlong buwan ang 3.2 billion pesos na investments.
Umabot na ng 3.2 billion pesos ang kabuuang investments na ipinasok para sa ibat ibang negosyong itatayo sa Bangsamoro region.
Ang datos ay mula Enero hanggang Marso ngayong taon.
Higit na mas malaki ang naturang investments sa target na 3 billion pesos ng BARMM para sa buong taon.
Ang 3.2 billion pesos na investments na pumasok sa rehiyon sa loob lang ng tatlong buwan ay nakalaan para sa mga proyektong pang-agrikultura at agribusiness.
Kabilang na rin dito ang malawakang pagtatanim ng kawayan at abaka.
Sa kabilang banda, sa isang pahayag din ng Bangsamoro Business Council, sabik na rin sila sa pagtatayo ng isang makabagong ospital sa Marawi City.
Naniniwala silang magiging susi rin ito para sa mas marami pang investments.
Follow SMNI News on Rumble