PINAPLANO ng gobyerno ang pagkakaroon ng tatlong araw na National vaccination drive ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr.
Ani Galvez, ito ay puedeng ihalintulad sa eleksyon kung saan tutulong ang pampubliko at pribadong sektor.
Aniya, iminungkahi na rin ng Philippine Medical Association na gawing inoculation sites ang mga paaralan.
Dagdag pa ni Galvez, gagawin ang vaccination sa mga presinto gaya ng ginagawa sa eleksyon.
Bukod pa rito, kabilang sa mga tinitignan ng gobyerno ang pagsasanay pa ng mga tao para sa mass vaccination na ito kabilang na ang pag-tap sa mga dentista at mga pediatrician.
Plano ngayon ng gobyerno na makapag-administer ng 15-million doses ng bakuna bago matapos ang buwan ng Nobyembre.
Sa ngayon, 27.7 million na mga pinoy o malapit na sa 36% ng kabuuang populasyon ng bansa ang fully vaccinated na kontra COVID-19.
Tinatarget din ng gboyerno na mabakunahan ang 70% ng kabuuang populasyon ng bansa bago matapos ang taong 2021.