Toronto, nagsara ng 3 pang paaralan dahil sa outbreak ng COVID-19

NAGSARA rin ang 3 pang paaralan sa Toronto dahil sa kaso ng COVID-19 rito.

Isinara ang 2 elementary school sa North York at ang 1 catholic school sa Scarborough dahil sa mga kaso ng COVID-19.

Inanunsyo ng Toronto District School Board noong linggo ang temporaryong pagsasara ng Brian Public School, Victoria Village Public School at St. Dominic Savio Catholic School dahil sila ay magsasagawa ng pagsusuri ng COVID-19 cases sa paaralan.

Ayon sa Toronto District School Board, 7 studyante at 2 staff ang nagpositibo sa COVID-19 sa Brian Public School habang 6 na mag-aaral naman ang positibo sa Victoria Village Public Schoool.

Samantala, inanunsyo rin ng Toronto Catholic District School Board na magsasara ang St. Dominic Savio Catholic School dahil sa imbestigasyon ukol sa kaso ng COVID-19.

Sa ngayon ay pansamantala munang mananatili sa online classes ang mga mag-aaral.

Inihayag ng Toronto Public Health na iaanunsyo agad nito sa mga komunidad kung sakaling bubuksan na ang mga paaralang ito.

Mga paaralang isinara sa Toronto ay ang Brian Public School, Victoria Village Public School at St. Dominic Savio Catholic School.

(BASAHIN: Wildfire sa Southern Alberta, naging sanhi ng paglikas ng mga residente)

SMNI NEWS