UMABOT na ng tatlong private developers ang nangakong gawin ang 50K horizontal-type housing units.
Iniulat ito ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) nitong Miyerkules, Hunyo 11, 2025 ngunit hindi na idinetalye pa kung sinong developers ito.
Ang ibinahagi pa lang ng DHSUD ay ang Raemulan Lands Inc. na sinabing mahigit 35K na horizontal-type housing units ang kanilang gagawin.
Ang tulong na ito mula sa private developers ay sa ilalim ng Programang Pambansang Pabahay Para sa mga Pilipino (4PH).