3 pulis ng QCPD, sinibak dahil sa pagpapakalat ng crime scene video ng aktor na si Ronaldo Valdez

3 pulis ng QCPD, sinibak dahil sa pagpapakalat ng crime scene video ng aktor na si Ronaldo Valdez

SINIBAK sa puwesto ang tatlong pulis na sangkot sa pagkalat umano ng kuha sa crime scene ng nasawing aktor na si Ronaldo Valdez.

Ito ang inihayag ni Philippine National Police (PNP) Public Information Office chief Police Colonel Jean Fajardo sa pulong balitaan sa Camp Crame.

Kinilala ang mga sinibak na sina Police Senior Master Sergeant Wilfredo Calinao, Police Corporal Romel Rosales, at Police Lieutenant Colonel Reynante Parlade, Commander ng Police Station 11.

Sasampahan ang mga pulis ng paglabag sa Data Privacy Act at Irregularity in the performance of duty.

Habang tinitingnan ang command responsibility ni Parlade.

Nasa holding and accounting unit na ng QCPD ang mga pulis.

Samantala, tatlong sibilyan ang iniimbestigahan dahil sa pag-upload umano ng sensitibong kuha sa crime scene ni Valdez.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble