3 tiyahin ni Whamos Cruz, binigyan niya ng P30-K

3 tiyahin ni Whamos Cruz, binigyan niya ng P30-K

NAMIGAY ng financial assistance sa kaniyang 3 tiyahin ang content creator at social media personality na si Whamos Cruz.

Emosyonal ang mga ito nang binigyan sila ng tig-P30-K para magamit sa pagsisimula ng negosyo.

Ayon kay Whamos, kamakailan lang ay nawalan ng trabaho ang 3 tiyahin nito kaya agad niyang tinulungan.

Samantala, maliban sa tig-P30-K, may hiwalay rin na P8-K na ibinigay si Whamos sa mga ito bilang panggastos sa iba pang pangangailangan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter