TUMANGGAP ng P25-K mula sa probinsiya ng Bukidnon ang 30 katao na mga dating rebelde.
Matapos magbalik loob sa pamahalaan ang mga dating miyembro ng CPP-NPA-NDF.
Pinangunahan ni Bukidnon Governor Jose Maria Zubiri ang pamamahagi ng financial assistance, isang sakong bigas, hygiene kit at food packs.
Katuwang ng pamamahagi ng ayuda ang 8th Infantry Battalion, 88th Infantry Battalion at 43rd Military Intelligence Company kung saan dito kusang sumurender ang nasabing mga dating rebelde.
Nangako din ng proyektong libreng pabahay ang Provincial Government ng Bukidnon sa mga dating rebelde.
Kasabay nito ang panawagan ng Lokal ng probinsiya at militar sa mga natitira pang kasamahan nito sa bulubundukin ng Bukidnon para makasama ng mga ito ang kanilang mga pamilya at tuluyan nang makabalik na mapayapa sa lipunan.
Batay sa tala ng Philippine Army 4th Infantry Division, mula 2016, umabot na sa 1,419 na former rebels ang nakatanggap na ng financial assistance package at iba pang benepisyo mula sa gobyerno sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) habang sa 403rd Brigade AOR naman ay umabot na rin sa 548 na mga dating rebelde ang napagkalooban na rin ng kaparehong ayuda mula sa pamahalaang Duterte.
Sa kanyang pahayag, pinasalamatan ni 4ID commanding officer Maj. Gen. Brawner Jr. ang mga dating kasapi ng armado dahil sa pagtugon nito sa panawagan ng pamahalaan na isuko ang mga baril at maling paniniwala ng mga ito kapalit ng bagong buhay at magandang pagsisimula muli kasama ang buong pamilya na dekada rin ang niabot nang mawalay ang ito dahil sa impluwensiya ng CPP-NPA-NDF sa kanila.
Malaking bagay din aniya ito sa kabawasan ng pwersa ng mga rebelde matapos isuko ng mga ito ang iba’t-ibang uri ng pampasabog at mga armas na ginagamit sa kanilang pakikipaglaban.
Ani Brawner, patuloy silang makikipag-isa sa panawagan ng gobyerno sa mga CPP-NPA-NDF members na magbabalik loob na sa lipunan dahil kung hindi kakaharapin ng mga ito ang malapit na yugto sa kanilang buhay ang kamatayan.
“We will continue our campaign against the CPP-NPA-NDF but more than the combat accomplishment, this act of yielding to the government is more important because we are all Filipinos and we do not want to kill each other,’’ayon kay MGen. Romeo Brawner.
“The former rebel can return now to their normal lives and do not need to fight the government anymore,”dagdag nito.