Lacson, nainsulto sa umano’y pakikipagnegosasyon ni VP Leni kay Sotto bilang running mate sa 2022 Elections

Lacson, nainsulto sa umano’y pakikipagnegosasyon ni VP Leni kay Sotto bilang running mate sa 2022 Elections

NAINSULTO si Sen. Panfilo Lacson dahil sinusubukan umano ng kampo ni Vice President Leni Robredo na bumuo ng panibagong tandem para sa 2022 election.

Ayon kay Sen. Lacson, plano umano ng naturang kampo ni VP Leni na maging running mate nito si Senate President Tito Sotto III.

Nakakainsulto umano ito sa panig ni Lacson dahil una na silang nagdeklara ni Sotto na magka-tandem sa 2022 Elections.

Mistula aniya itong pagpapahiwatig na mag-withdraw na sya sa kanyang kandidatura.

Giit naman ni Lacson, na siya lang ang may karapatan na magdesisyon kung aatras o itutuloy ang pagtakbo sa pagkapangulo sa 2022.

Binigyang-diin ni Lacson na marami ng high-profile at low-key businessmen na tumutulong at sumusuporta sa kanilang tandem ni Sotto.

 

SMNI NEWS