300 sako ng basura, nakolekta ng PCG sa dolomite beach

300 sako ng basura, nakolekta ng PCG sa dolomite beach

PUMALO sa 300 sako ng basura ang nakolekta sa Coastal and Underwater Clean-Up Drives ng Philippine Coast Guard Special Operation Force (PCG-SOF) at PCG Auxiliary sa Manila Baywalk Dolomite Beach ngayong araw, Nobyembre 10, 2022.

Ito ay bilang bahagi ng 50th Founding Anniversary ng PCG-SOF na may temang “50 Years of Consistency, Gratitude, Solidarity, Outstanding, Fortitude Service to the Nation.”

Sa isang pahayag, binigyan-diin ni PCG-SOF Commander, CG Commodore Edgardo Hernando ang kahalagahan ng regular na pagpapatrolya at quarterly clean-up drive para ma-rehabilitate ang Manila Bay.

Hinimok din nito ang publiko na gawin ang kanilang parte sa pagprotekta sa marine environment para sa kapakanan ng susunod na henerasyon.

Suportado rin ang aktibidad ng mga personnel mula sa DENR, MMDA at iba pang local government units sa Manila.

 

Follow SMNI News on Twitter