35 mangingisdang na-stranded sa Palawan, ni-rescue ng BRP Antonio Luna

NI-RESCUE ng BRP Antonio Luna frigate ng Philippine Navy ang 35 na mga mangingisdang na-stranded sa Manamoc Island, Palawan matapos tumaob ang kanilang bangka dulot ng masamang panahon.

Ayon kay Naval Forces West acting public affairs office chief, Lt. Commander Ronne Riel B. Grimpola, kinilala ang nataob na bangka bilang F/B Prince Edge 1.

Nangyari ang nasabing insidente sa bisinidad ng Cauayan Island, Cuyo, Palawan noong Disyembre 27.

Dagdag ni Grimpola, isang boat captain ang lumapit sa Maritime Situational Awareness Center-W (MSACW) upang idulog ang kinahinatnan ng mga mangingisda.

“Consequently, the group safely landed on Manamoc Island, part of Cuyo, Palawan. MSAC-W immediately informed Naval Forces West about the incident and requested immediate assistance and rescue operations,” ayon kay Grimpola.

Aniya, ang BRP Antonio Luna ang inatasang mag-rescue sa mga mangingisda at ihatid ang mga ito sa kanilang bayan sa San Jose, Mindoro.

“At present, all 35 personnel are being taken care of and currently undergoing medical check-up by medical personnel aboard BRP Antonio Luna. Further, personnel of FF-151 also provided food and clean clothing to all the crew of the ill-fated fishing boat,” ani Grimpola.

Dagdag ni Grimpola, patuloy ang pagsagawa ng disaster relief and rescue operations ang Naval Forces West at pagbibigay tulong sa mga apektado ng Bagyong Odette sa probinsiya ng Palawan sa pamamagitan ng pinagsanib na pwersa.

SMNI NEWS