NAGBUKAS ang iba’t ibang bansa ng 3K na mga trabaho para sa mga Pilipina ngayong ipinagdiriwang ang International Women’s Month.
Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), kabilang sa mga trabahong inaalok ay housekeeping, waiters at galley attendants sa mga cruise ship.
Ang panimulang sahod ay nasa 680 dollars o nasa P40K.
Sa mga bansang tulad ng Saudi Arabia, Oman, United Arab Emirates, Hungary, at Taiwan ay may alok din na trabaho sa hotel industry at healthcare gaya ng nurses at caregivers.
Sa Saudi Arabia ay bukas sila sa Pinay beauticians at nail technicians.
Sa Taiwan at ilang European countries ay bukas sila sa factory workers at skilled workers.
Ipinaalala lang ng DMW na tanging mag-apply sa job orders na makikita sa kanilang official website para hindi mabiktima ng panloloko.