4 Chinese nationals arestado sa Cotabato dahil sa fraud at smuggling

4 Chinese nationals arestado sa Cotabato dahil sa fraud at smuggling

ARESTADO ng mga awtoridad ang apat na Chinese nationals na diumano’y sangkot sa pandaraya at smuggling sa Barangay Nueva Vida, M’lang, Cotabato, noong Lunes, Marso 24, 2025.

Kinilala ang mga suspek na sina Liu Dezhen, Tang Zhongyi, Tianpei Wu, at Wang Lian Xu. Ayon sa imbestigasyon, ang mga inarestong indibidwal ay sangkot sa iligal na operasyon ng Alpha Household Miscellaneous Chemical Products Manufacturing sa Barangay Nueva Vida.

Walang wastong visa ang mga suspek o nagsumite ng maling impormasyon ukol sa kanilang visa status.

Ang operasyon ay pinangunahan ng Bureau of Immigration (BI), National Bureau of Investigation Region 12 (NBI-12), Philippine Drug Enforcement Agency Region 12 (PDEA-12), at Philippine National Police (PNP-M’lang MPS). Kasama rin ang Joint Task Force Central at 6th Infantry Division ng Philippine Army bilang suporta sa mga nagpapatupad ng batas.

Binigyang-diin ni Major General Donald Gumiran, Commander ng 6th Infantry Division at Joint Task Force Central (JTFC), ang mahalagang papel ng militar sa pagsuporta sa mga law enforcement agencies.

“The successful arrest of these individuals reflects the strong collaboration between law enforcement agencies and the military in upholding our nation’s laws. The 6ID/JTFC remains committed to assisting government agencies in ensuring national security and protecting communities from illegal activities,” pahayag ni MGen. Donald Gumiran, Commander, 6th Infantry Division, JTF-Central.

Ayon sa 6th Infantry Division, ang operasyong ito ay patunay ng matibay na pangako ng gobyerno na ipatupad ang batas at tiyakin na ang mga dayuhang naninirahan o nagnenegosyo sa bansa ay sumusunod sa mga legal na regulasyon.

Ang mga inarestong indibidwal ay kasalukuyang nasa kustodiya ng mga awtoridad para sa karagdagang imbestigasyon at legal na proseso.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble