APAT na katao ang nabaril sa siyudad ng Philadelphia noong Lunes kung saan 13 iba pa ang nasugatan sa insidente.
Dalawa sa nasugatan sa pamamaril sa Kingsessing ay mga bata at ang pinagsususpetyahang gunman ay nasa kustodiya na ng awtoridad at ang rifle at handgun nito ay na-recover na rin.
Ayon kay Danielle Outlaw Philadelphia Police Commissioner, ang suspek ay nakasuot ng ballistic vest at mayroong nakalagay na ilang magazines sa dibdib nito.
Ang apat na nasawi sa pamamaril ay nasa edad 20 hanggang 59 na taong guang habang ang dalawang batang nasugatan ay nasa maayos nang kondisyon.
Sa ngayon hindi pa malinaw kung ano ang motibo ng suspek sa ginawang pamamaril.
Ang pag-atake na ito sa araw ng Independence Day ng Amerika ay naiulat kasunod lamang ng shooting attack sa Baltimore Maryland, kung saan dalawang katao ang nasawi habang 28 naman ang nasugatan.
Naghahanap rin ang mga awtoridad sa iba pang mga suspek na pinananiniwalaang nagpakawala rin ng putok ng bail sa isang taunang community gathering.