NASA 40% ng mga Pilipino ang nagsabing lumala ang kalidad ng kanilang pamumuhay noong huling bahagi ng taong 2021.
Batay sa isinagawang fourth quarter survey ng Social Weather Stations (SWS), nasa 24% naman ang nagsabing umayos ang kanilang pamumuhay habang 36% ang nagsabing walang pinagbago.
Ayon sa SWS, ito ay mas mataas ng 28 points kumpara sa -44 noong ikatlong bahagi ng 2021.
Gayunman, mababa pa rin ito ng 34 points kumpara sa pre-pandemic level na 18 points noong huling quarter ng taong 2019.
Isinagawa ang survey mula Disyembre 12 hanggang 16, 2021 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,440 adults sa buong bansa.