IKINABAHALA ng Commission on Human Rights (CHR) ang naiuulat na suspected tuberculosis cases sa persons deprived of liberty (PDLs) sa Pasay City Jail.
Nasa 400 anila ang may TB-like symptoms at kasalukuyan nang naka-isolate.
Hinihikayat na ngayon ng komisyon ang Bureau of Corrections (BuCor) na magpatupad ng routine at comprehensive medical screenings para sa PDLs upang maiwasan ang pagkakasakit nito habang nakakulong.
Ang tuberculosis ay isang seryosong uri ng sakit na maaaring maipasa sa kapwa lalo na sa mga matataong lugar gaya ng prison facilities.