41 pamilya na biktima ng sunog sa Las Piñas, binigyan ng ayuda ng LGU

41 pamilya na biktima ng sunog sa Las Piñas, binigyan ng ayuda ng LGU

UMABOT sa 41 pamilya na pawang biktima ng sunog ang nakatanggap ng tulong mula sa lokal na pamahalaan ng Las Piñas City.

Personal na tinungo ni Las Piñas City Vice Mayor April Aguilar ang ilang ilang evacuation center sa lungsod kung saan pansamantalang namamalagi ang mga biktima sa Lopez Martel Compound, Brgy. Almanza Uno.

Kasama ni Agular ang City Social Welfare and Development Office, City Health Department, Office of the City Disaster Risk Reduction Management, at Office of the Media and Public Affairs Office.

Namahagi ito ng “Dignity Kit” na naglalaman ng relief goods, sleeping kit, at hygiene kits sa mga biktima ng sunog.

Siniguro din ng ikalawang alkalde ang pamamahagi ng assistance sa mga biktima habang inaayos pa ang kanilang mga tahanan.

Samantala, kasalukuyan pa rin iniimbistigahan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sunog sa Lopez Martel Compound, Brgy. Almanza Uno.

Wala namang nasawi o nagtamo ng sugat sa nasabing sunog na sumiklab kahapon, 9:15 ng umaga at idineklarang fire out ng 11:15 PM.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter