NAGPAABOT ang Office of the Vice President (OVP) ng relief boxes at food bags sa mga nasalanta ng matinding pagbaha sa Northern Samar.
Nasa walong munisipalidad ang tinulungan ng OVP kabilang ang San Roque, Pambujan, Catubig, Rosario, Lope de Vega, Catarman, Las Navas, at Gamay.
Sa pamumuno ng OVP Disaster Operations Center (DOC), katuwang ang Eastern Visayas Satellite Office, umabot sa 4,600 pamilya ang nakatanggap ng relief boxes at food bags.