HINDI tutulungan ng South Africa ang nasa 4K na illegal miners na nasa loob ng isang ipinasarang minahan sa kanilang north west province.
Ayon sa pamahalaan, paraan nila ito laban sa illegal mining kung saan mapipilitang magpakita mula sa ipinasarang minahan para maaresto ang mga minero.
Sa katunayan, sa nakalipas na mga linggo, mahigit 1K na mga minero na ang nagpakita at naaresto mula sa iba’t ibang minahan sa north west province.
Samantala, ang mga minero na nasa loob ng ipinasarang minahan ay nakararanas na ng kakulangan ng pagkain, tubig at iba pang pangunahing pangangailangan.