NAG-deploy ng 4,000 pulis ang Police Regional Office (PRO) 3 para pangunahan ang kampanya para sa zero crime incidence ngayong Undas sa Central Luzon.
Ayon kay Police Regional Office 3 Brigadier General Jose Hidalgo Jr. 1,000 pulis ang magiging road safety marshals habang ang 3,000 pulis naman ang magbabantay sa mga sementeryo at terminal.
Sinabi rin ni Hidalgo na hanggang sa Nobyembre 2 ang deployment ng kanilang mga tauhan.
Hinimok din ng opisyal ang publiko na manatiling mapagmatyag at maging alerto laban sa mga masasamang loob at para sa anumang kahina-hinalang aktibidad ay agad na i-report sa pinakamalapit na estasyon ng pulisya.