5 balikbayan box na naglalaman ng Kush marijuana, nasabat ng PDEA sa MICP, Tondo Manila

5 balikbayan box na naglalaman ng Kush marijuana, nasabat ng PDEA sa MICP, Tondo Manila

LIMANG balikbayan box na naglalaman ng 126 heat-sealed transparent plastic bag ng pinatayong Kush na dahon ng marijuana ang nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) RO-NCR Seaport Interdiction Unit.

Ang pagkakasabat sa nasabing droga ay pinagsanib-puwersa ng PDEA RO IV-A, PDEA Intelligence Service, Bureau of Customs (BOC), at Regional Maritime Unit (RMU) NCR.

Batay sa report ng PDEA RO-NCR Seaport Interdiction Unit nakarating kay Director General Moro Virgilio Lazo ang nasabing operation ay nangyari kahapon ng 1:00 ng hapon ng Pebrero 27, 2024 sa designated examination area, container freight station 3, Manila International Container Port (MICP), Tondo Manila.

Nadiskubre ang nasabing Kush marijuana, sa limang kahon ng balikbayan box, na naglalaman ng 126 heat-sealed transparent plastic bag na may 63,360 gramo ng mga tuyong dahon na hinihinalang Kush marijuana na nagkakahalaga ng mahigit P76-K.

Bagama’t wala namang naarestong personalidad.

Nagsasagawa na ng malalimang imbestigasyon ang PDEA, BOC ng pinanggalingan ng nasabing marijuana Kush at hindi pa nalaman kung sino ang consignee ng balikbayan box.

Ayon sa PDEA, inihahanda pa rin nila ang pagsasampa ng kasong Section 4 o Importation ng paglabag sa Republic Act 9165 Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble