5 miyembro ng transgender criminal group, arestado ng CIDG

5 miyembro ng transgender criminal group, arestado ng CIDG

NAHULI ang 5 miyembro ng transgender na “Warla Kidnapping Group” na sangkot sa pagdukot sa ilang banyaga sa Metro Manila.

Ayon kay PNP CIDG director Police Brigadier General Ronald Lee, natunton nila ang mga suspek matapos masagip ang Taiwanese na si Michael Lee sa Parañaque noong Setyembre 7.

Nalaman ng pulisya ang lokasyon ng mga suspek base sa transaksyon sa GCash kung saan ipinadala ang mahigit 300,000 pisong ransom kapalit ng kalayaan ng biktima.

Sumuko naman ang tatlong miyembro ng grupo.

Modus ng mga suspek na gumamit ng dating app sa kanilang iligal na gawain.

Sa imbestigasyon ng CIDG, taong 2018 nang nabuo ang grupo ng siyam na transgender women na nakapangbiktima ng nasa 14 na indibidwal at nakakolekta ng 4.2 milyong piso para sa kanilang “sex change”.

Maliban dito, sangkot din ang grupo sa pagbebenta ng iligal na armas.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong kidnapping at paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI NEWS in Tiktok

Follow SMNI NEWS in Instagram